Hindi ko inexpect na mangyayare to ngayong araw na to. Kaninang hapon bandang 1:30 gutom na gutom na ako, nakakamatay na init, masakit ang paa, sobrang pagod at kulang sa tulog. Yuuuuup, may pinuntahan kasi kami at pagkatapos nun pumunta kami ng Baclaran. Sa binabaan namen ang pinakamalapit lang na kainan ay KFC, tinatamad na kaming lumakad ng Mama ko dahil ang init nga, wala kaming payong, panyo pamunas pawis o kaya shades panlaban sa araw.
Lantang lanta na ako, humanap na ko ng mauupuan at ng table. Hiniga ko yung ulo ko para makapagpahinga ako. Magisa lang ako sa table dahil si Mama nasa counter at umoorder. May lumapit na lalaking crew,
crew: Hi po, bakit parang ang lungkot niyo? *ngumiti siya*
ako: *napaangat ang ulo ko at ngumiti*
Umalis na yung crew at biglang bumalik.
crew: Tubig po. *inabot niya saken*
ako: *wow* Thankyou po.
Umalis ulit siya, at nakita niya ang Mama ko na dala na sa tray ang food na inorder.
crew: *kinuha ang tray*
kame: thankyou.
Umalis na ulit siya, at tumayo ako para kumuha ng gravy.
crew: *sumenyas na h’wag na* Eto na po, *binigay niya yung gravy* Tig-isa kayo.
ako: *ngumiti*
Natapos na kaming kumain at palabas na ng KFC
crew: ingat ka.
ako: *ngumiti.*
Nakakatuwang isipin na nakita niya lang akong malungkot (pero hindi, dala lang ng pagod) pero nagawa niyang pangitiin ako. Kahit sa simpleng pinakamaliit na bagay at sa paggawa niya ng maayos na trabaho. At kahit sa pagpapakita ng malasakit na “ingat ka” kahit hindi naman kami magkakilala. Sana madaming gantong tao sa mundo. ;)
|
|
Anonymous asked:
eii. killa mo na ako? haha :D Pano kita makikilala eh hindi ka nagpapakilala. Shunga ka? Jk. |
